MY INTRODUCTION

WELCOME TO MY OFFICIAL BLOGSITE!!!

THIS BLOGSITE IS DEDICATED TO ME, MYSELF AND I, RYKKHOFHRA DARKKAUCIUX!!!! PERO, PERO, PERO, MAG-INGAT PO SA MGA POSERS!!! ITO LANG PO ANG OFFICIAL BLOGSITE AT WALA NANG IBA!!!

Rykkhofhra Darkkauciux as Nathreikka von Karthana

Thursday, March 22, 2012

Rykkhofhra Darkkauciux topbills Romera's Diary this April 28!



Mas lalong magiging busy si Rykkhofhra Darkkauciux this April dahil after ng 2012 World Phoebe's Cup ay magsisimula na syang mag-taping ng kanyang pinakabagong weekend primetime series na "Romera's Diary" na magsisimula na sa April 28.

Hindi pa man natatapos ang "The Mystery of 15 Instincts: Unlock the Lost Key" ay may kasunod nang primetime series si Rykkhofhra at sa weekend primetime ito ilalagay at hindi sa weeknight primetime tulad nung unang naiulat.

Gagampanan ni Rykkhofhra ang bidang karakter ng show na si Romera, ang anghel na na-inlove sa isang tagalupa at nang dahil dito, pinarusahan sya ng pinuno ng mga anghel at ipinatapon sya sa mundo ng mga tao at nakulong sya sa katawan ng isang bata.

Ang "Romera's Diary" ay magsisimula na sa April 28 at 7:30pm sa GP-NET.

Monday, August 8, 2011

ANG BUHAY ARTISTA

Isang magandang araw sa inyo!!! Ako ok lang naman dahil every week ay hindi ako nababakante!! Ang schedule ko para sa taping ng "Atlantic Force" ay every Monday, Tuesday at Thursday. Tuwing Wednesday at Friday naman ang taping ko for danceserye "Move It Up!". At tuwing Saturday at Sunday ay may shooting pa ako ng pelikulang "Bloodheart : Devotion The Movie". O debah, workaholic ako?

Kasi nga mabait si Kami kaya ayun binigyan nya ako ng blessings para maging successful ang career ko as an actress and a director.

Pero ako talaga, kahit busy ako sa work ay may time din ako for Delaine. Minsan nga ay magkasama pa nga kami sa isang mall nung isang araw pero hindi kami tinantanan ng mga nakakakita sa amin.


Hehe... as usual, ganyan talaga ang buhay ng isang sikat!

Thursday, July 14, 2011

SUGAT NI RYKKHOFHRA DARKKAUCIUX SA PISNGI, GUMALING NA!

Gumaling na ang sugat sa pisngi ni Rykkhofhra Darkkauciux matapos syang sunggaban ng isang Korean national sa Hyper Bar sa Araten noong Sabado ng gabi pagkagaling sa taping ng telefantasyang "Atlantic Force."

Ayon kay Rykkhofhra, tumagal ng ilang araw ang pamamaga sa kanyang kaliwang pisngi, kaya yun ang dahilan kung bakit hindi sya natuloy sa taping ng "The Mystery of 15 Instincts: Second Derivation" at "Atlantic Force" at nagpahinga muna sya.

"Yun po kasi ang payo ng doktor po sa akin after nyang tingnan ang sugat ko sa pisngi," sabi ng aktres.

Sa ngayon ay nakapag-taping na si Rykkhofhra para sa "Atlantic Force" at sa Sabado naman ay itutuloy nya ang taping para sa "The Mystery of 15 Instincts: Second Derivation."