Isang magandang araw sa inyo!!! Ako ok lang naman dahil every week ay hindi ako nababakante!! Ang schedule ko para sa taping ng "Atlantic Force" ay every Monday, Tuesday at Thursday. Tuwing Wednesday at Friday naman ang taping ko for danceserye "Move It Up!". At tuwing Saturday at Sunday ay may shooting pa ako ng pelikulang "Bloodheart : Devotion The Movie". O debah, workaholic ako?
Kasi nga mabait si Kami kaya ayun binigyan nya ako ng blessings para maging successful ang career ko as an actress and a director.
Pero ako talaga, kahit busy ako sa work ay may time din ako for Delaine. Minsan nga ay magkasama pa nga kami sa isang mall nung isang araw pero hindi kami tinantanan ng mga nakakakita sa amin.
Hehe... as usual, ganyan talaga ang buhay ng isang sikat!

No comments:
Post a Comment