Gumaling na ang sugat sa pisngi ni Rykkhofhra Darkkauciux matapos syang sunggaban ng isang Korean national sa Hyper Bar sa Araten noong Sabado ng gabi pagkagaling sa taping ng telefantasyang "Atlantic Force."
Ayon kay Rykkhofhra, tumagal ng ilang araw ang pamamaga sa kanyang kaliwang pisngi, kaya yun ang dahilan kung bakit hindi sya natuloy sa taping ng "The Mystery of 15 Instincts: Second Derivation" at "Atlantic Force" at nagpahinga muna sya.
"Yun po kasi ang payo ng doktor po sa akin after nyang tingnan ang sugat ko sa pisngi," sabi ng aktres.
Sa ngayon ay nakapag-taping na si Rykkhofhra para sa "Atlantic Force" at sa Sabado naman ay itutuloy nya ang taping para sa "The Mystery of 15 Instincts: Second Derivation."

hay salamat at gumaling na ang sugat ni rykkhie!!!
ReplyDelete